
Vestibulum commodo volutpat laoreet
May 8, 2014Malungkot na balita ang dumating sa music scene—pumanaw na si Mercy Sunot, isa sa mga vocalists ng Aegis, sa edad na 48. Inanunsyo ito ng banda sa kanilang Facebook page ngayong Lunes, Nobyembre 18.
Si Mercy ay nakipaglaban sa Stage 4 breast cancer at lung cancer, at sa kabila ng lahat, ipinakita niyang hindi lang sa entablado, kundi pati sa buhay, isa siyang tunay na fighter.
Kasama ang mga kapatid niyang sina Juliet at Ken, si Mercy ay naging kilala sa mga awiting tulad ng “Luha,” “Basang-basa Sa Ulan,” “Halik,” at “Sinta”—mga kantang patuloy na paborito ng mga Pinoy.
Noong November 11, nag-perform ang Aegis sa Subaraw Festival sa Puerto Princesa, pero hindi nakasama si Mercy dahil siya ay nasa Amerika.
Paalam, Mercy. Salamat sa lahat ng iyong musika at inspirasyon. Rest in peace.
